Region

ELEM SCHOOL SA CAGAYAN LUBOG SA BAHA 

/ 1 November 2022

HINDI na nagamit bilang temporary evacuation center ang isang elementary school sa bayan ng Enrile sa Cagayan.

Ito ay dahil umabot na sa lampas tao ang baha sa Barangay Lanna kung saan matatagpuan ang Lanna Elementary School, dahil sa limang araw na paghagupit ng Bagyong Paeng.

Pinangangambahan ding walang naisalba sa mga kagamitang pang-eskwela sa mga silid-aralan na apektado ng Bagyong Paeng.

Kung hindi pa titigil ang ulan dahil pumasok na ang Bagyong Queenie ay pinangangambahang kahit bubong ay hindi na makikita sa nasabing paaralan.

Umaasa ang principal at mga guro na agad magkaoon ng kapalit ang mga nasirang learning modules, gayundin ang iba pang kagamitan sa pag-aaral.

Dahil sa insidente, inaasahang maaantala ang full implementation ng face-to-face classses na ikakasa bukas, Nobyembre 2.