MGA ISKUL NA LALAHOK SA F2F CLASSES INAASAHANG DARAMISA ILALIM NG ALERT LEVEL 2
UMAASA ang Palasyo na mas maraming eskuwelahan ang lalahok sa limited face-to-face classes sa ilalim ng Alert level 2.
Ang Metro Manila, Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan ay nasa ilalim ng Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.
“So, now na there are several provinces, including NCR, that is already on Alert Level 2, then we hope to be able to see a more, you know, an expansion on the number of schools, public schools that already can do the face-to-face classes upon the assessment of Department of Education pati ng Department of Health,” wika ni acting presidential spokesperson Secretary Karlo Nograles.
Ayon kay Nograles, maaari na ring magbukas ang mga pribadong eskuwelahan ng in-person classes.
“That being said, ‘yung mga private schools na gusto na ring magsimula ng face-to-face classes, especially in the Alert Level 2 areas, can now begin making their representations with the Department of Education para mabigyan din sila ng pahintulot ng DepEd na mag-face-to-face classes na rin sila,” dagdag ni Nograles.
Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng physical classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.
Nagsimula ang pilot run ng in-person classes noong Nobyembre 15, 2021 at natapos noong Disyembre 22, 2021.