Nation

25 REBEL-RETURNEES LUMAHOK SA TRAINING INDUCTION PROGRAM

/ 20 December 2023

DALAWAMPU’T LIMANG rebelde ang lumahok sa Training Induction Program ng Technical Education Skills and Development Authority – North Cotabato.

Ang pagpayag ng pamahalaan na maturuan ang mga nagbabalik-loob na rebelde ay bahagi ng pagtulong sa kanila para bumalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Gayundin ang tiyansa na makapaghanapbuhay kasama ng iba pa.

Isinagawa ang training sa tanggapan ng TESDA sa nasabing lalawigan habang ang programa ay may temang “pagyakap sa tunay na kapayapaan pagkakaisa tungo sa maunlad na bayan.”