P500K PABUYA SA MAKAPAGTUTURO SA MGA SANGKOT SA HAZING SA ADAMSON U STUDENT
UPANG mapabilis ang pagpapanagot sa mga sangkot, nag-alok si House Speaker Martin Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikadarakip ng mga nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University dahil sa hazing.

Kasabay ito ng pagkondena ni Romualdez sa insidente sa pagsasabing hindi gawain ng kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan.
“Brothers do not kill brothers. Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation,” pahayag ni Romualdez.
“Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, how much more ang kanyang mga magulang at pamilya?” diin ni Romualdez.
Ikinalungkot ni Romualdez ang kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng mga taong sangkot sa pagkamatay ni Salilig na itinapon sa isang open field sa Imus, Cavite.
“A loss of life is not acceptable in a civilized society like ours,” dagdag ni Romualdez.
“Wala silang pagpapahalaga sa buhay. Sa ospital nila dapat dinala ang biktima,” dagdag pa ng House Speaker.