Region

TRAK VS MOTORSIKLO: GURO PATAY

/ 24 November 2020

PATAY ang isang guro at isang nars sa isang aksidente sa Barangay Caduha-an, Cadiz, Negros Occidental noong Biyernes, Nobyembre 20.

Kinilala ang mga biktima na sina John Eurich Depasupil, 28, guro ng Vicente Patricio Memorial Elementary School, at John Paul Ladrillo, nars ng Cadiz District Hospital.

Ayon sa ulat ni Lt. Col. Robert Mansueto ng Cadiz City Police, sina Depasupil at Ladrillo ay sakay ng isang motorsiklo. Sinubukan nilang mag-overtake nang humarurot ang cargo truck na may dalang mga tubo subalit sumemplang ang dalawa sa dulas ng kalsada.

Nagulungan ng trak ang mga biktima. Dead on the spot si Ladrillo habang dead on arrival naman sa Cadiz District Hospital si Depasupil.

Nahuli naman na ang drayber ng trak na si Mario Bendevel, 47 taong gulang. Patuloy ang imbestigasyon kay Bendevel habang siya’y nakapiit sa kulungan.