Region

10 IP SCHOOLS SA ZAMBALES HANDA NA SA F2F CLASSES

/ 14 November 2021

NAKAHANDA na ang 10 eskwelahan mula sa mga Indigenous Peoples o IP Community sa tatlong munisipalidad sa Zambales sa pagbubukas ng limited face-to-face classes sa Lunes, Nobyembre 15.

Ang naturang mga paaralan ay kinabibilangan ng Banawen Elementary School sa San Felipe; Belbel Elementary School, Burgos Elementary School, Maguisguis Elementary School, Moraza Elementary School, Owaog-Nebloc Elementary School, Nacolcol Integrated School, at Palis Integrated School sa Botolan; at Baliwet Elementary School at San Marcelino National High School sa San Marcelino.

Inaasahang mahigit 500 estudyante at 75 guro mula Kindergarten hanggang Grade 3 at Senior High School Tech-Voch Strand ang dadalo sa in-person classes.

Kabilang sa mga paghahanda ng Schools Divisions Office ang pagsasaayos ng mga silid-aralan, pagkakabit ng mga panuto upang masunod ang health protocols, paglalagay ng mga alcohol, hand sanitizers at pagpapanatili ng WASH facilities, at pagsasaayos ng mga learning materials na gagamitin.

Buo naman ang suporta ng National Commission on Indigenous People, sa pamumuno ni OIC-Provincial Officer Randy Q. Bernales, Department of Health na pinamumunuan ni Dr. Jessie Fantone, pamahaIang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Hermogenes Ebdane Jr, mga alkalde, at iba pang mga community leader sa naging desisyon ng Division of Zambales, sa pamumuno ni Dr. Romeo A. Alip na tanggapin ang hamon sa limitadong pagbubukas ng klase.