Nation

ONLINE CLASSES NG MAHIGIT 5K PRIBADONG PAARALAN UMARANGKADA NA

/ 3 September 2020

KINUMPIRMA ng Kagawaran ng Edukasyon na noon pang Agosto 24 ay mayroon ng mga paaralan na nagsimula ang klase kahit may banta ng Covid19.

Batay sa datos ng Kagawaran, sa 14,435 na mga pribadong paaralan sa bansa, 5,601 dito ay nagkumpirma na nagsisisimula na ang kanilang klase sa kabila ng patuloy ng pagdami ng kaso ng Covid19 sa bansa.

Sa 2,391 na kabuuang bilang ng pribadong paraalan sa National Capital Region, kung nasaan ang episentro ng Covid19 sa bansa, 1,382 na ang nagsisimula ng klase.

Ang NCR rin ang may pinakamaraming bilang ng pribadong paaralan na nagbukas ng klase habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao naman ang pinakakaunti kung saan sa 300 na private school, tatlo pa lang ang nagbukas.

Sa ngayon, nasa mahigit 1.94 milyon na mga estudyante ang nagpatala na sa mga pribadong eskwelahan sa buong bansa, katumbas ito ng 45.19% mula sa kabuuang bilang ng mga nagpatala noong 2019.