UE LUMAPIT SA V-LEAGUE SEMIS
DUMIKIT sa semifinals ng 2026 V-League Collegiate Challenge ang University of the East Lady Warriors matapos pataubin ang Arellano University Lady Chiefs, 25-20, 22-25, 25-22, 25-15, kahapon sa Gameville Central Park sa Mandaluyong City.
Umakyat sa 4-3 ang Lady Red Warriors at nanatiling nasa karera para sa Final Four, habang bumagsak naman sa 5-2 ang semifinals-bound Lady Chiefs.
Itinanghal na Player of the Game si Vanessa Bangayan matapos pangunahan ang Lady Warriors sa krusyal na panalo.
Gayunman, kailangan pang maghintay ng Lady Red Warriors sa magiging resulta ng iba pang natitirang laro upang malaman kung makakakuha sila ng tiket sa semifinals.
Samantala, tinapos ng Colegio de San Juan de Letran Knights ang kanilang kampanya sa torneo sa pamamagitan ng straight-set victory laban sa University of Perpetual Help Lady Altas, 25-20, 25-17, 25-22.
Nagbida si Judiel Nitura para sa reigning NCAA champions Lady Knights, na tinapos ang kanilang kampanya na may 1-6 marka. Laglag naman ang Lady Altas sa 3-4 at sibak na rin sa Final Four contention.