LINEUP NG PDP-LABAN PARA SA 2022 POLLS MAGKAKAROON NG PAGBABAGO — GO
KINUMPIRMA ni Senador Christopher 'Bong' Go na magkakaroon ng pagbabago sa lineup ng PDP-Laban para sa eleksiyon sa 2022.
KINUMPIRMA ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na magkakaroon ng pagbabago sa lineup ng PDP-Laban para sa eleksiyon sa 2022.
“Itong kandidatura ko bilang bise presidente ay maaring magbago. Hindi maiiwasan na may changes sa politika. Sabi ko nga napakadumi…dito kahit na gusto magserbisyo sa kapwa Pilipino, may mga pagbabago na wala naman akong magagawa,” pahayag ni Go.
“Kung kailangan kong umiwas, wala po akong magagawa, pero ito lang po ang maipapangako ko sa inyo, kahit kapitan, kahit ordinaryong tao lang po ako, patuloy po akong magseserbisyo sa ating bansa,” dagdag pa ng senador.
Sinabi pa ng mambabatas na hinihintay na lamang ang November 15 para sa pinal na lineup ng partido.
Kasabay nito, tinaya ni Go sa 51-49 ang posibilidad ng kandidatura ni Pangulong Rodrigo Dutuerte bilang senador sa 2022 elections.
Sinabi ni Go na sa personal niyang assessment sa mga pahayag at kilos ng Pangulo, 51 percent ang posibilidad na sumabak ito sa eleksIyon.