KabataanSaHalalan

BBM ‘DI KAILANGANG HUMINGI NG TAWAD SA PUBLIKO — TULFO

HINDI kailangang humingi ng tawad si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa mga kasalanan ng kanyang ama na dating pangulo ng bansa, ayon kay senatorial candidate Raffy Tulfo.

/ 20 October 2021

HINDI kailangang humingi ng tawad si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa mga kasalanan ng kanyang ama na dating pangulo ng bansa, ayon kay senatorial candidate Raffy Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na ang isyu sa ill-gotten wealth ng mga Marcos ay dapat ipaubaya na lamang sa korte.

“Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Why would he apologize for something that he did not do, na ang may kagagawan ay tatay niya? Opinyon ko ‘yan,” ani Tulfo.

“Bakit ‘yung kasalanan ng kamag-anak ipinapasa sa isang kamag-anak? Because I myself [have] been a victim of that. Just because nagkaroon ng isyu ‘yung mga kapatid ko na kaapelyido ko, pati ako nadadamay. Dapat hindi ganun,” dagdag ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, hindi dapat idamay ang kamag-anak sa kasalanan ng kanyang kamag-anak.

“Give the other relative na walang kinalaman sa kaso a chance para ma-prove ang sarili niya.”