UPSKILLING NG PINOY SEAFARERS PINATITIYAK NI PBBM SA MARINA, CHED
MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Maritime Industry Authority at Commission on Higher Education na tiyakin ang upskilling at reskilling ng mga Filipino seafarer.
“As President, I reiterate my directive to the Maritime Industry Authority and the Commission on Higher Education to work closely with the shipping industry on the upskilling and reskilling of Filipino seafarers to prepare them for the shift of ocean-going vessels from using conventional fuel sources to green ammonia between 2030 to 2040,” wika ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa summit conference “Shaping the Future of Shipping: Seafarer 2050” nitong Lunes.
Ayon sa Pangulo, ang buong industriya ng transportasyon ay sumasailalim sa isang malaking pagbabago, na tinampukan ng pagdating ng mga bago at sustainable fuels, gayundin ng pagtaas ng deployment ng digitalization at automation.
Binanggit din ni Marcos ang pangangailangang mamuhunan sa isang mataas na kalidad ng workforce na bubuo, magpapapanatili, at mangangasiwa sa mga shipping vessel.
“With all hands on deck, we must come together to envision and shape the future of the industry and global trade for the next 25 years,” ani Marcos.
“We can do this by identifying the skills required for the new generation of ships, discussing education and training requirements, and committing to a fair and just transition to build a future-ready and resilient shipping industry,” dagdag pa ng Pangulo.
Matatandaang nangako ang CHED na makikipag-ugnayan sa maritime schools at MARINA para ipatupad ang mga repormang iminungkahi ng European Union upang matiyak na patuloy na makapagtatrabaho ang mga Filipino seafarer sa mga dayuhang sasakyang pandagat.