PRC NAGDAGDAG NG TESTING CENTERS PARA SA 2021 LICENSURE EXAM FOR TEACHERS
INANUNSIYO ng Professional Regulation Commission na nagdagdag sila ng dalawang testing centers para sa September 2021 Licensure Examination for Teachers.
Ang mga lugar ay sa Marinduque at Oriental Mindoro upang hindi na dumayo sa ibang lugar ang mga nais kumuha ng lisensiya na taga-roon.
Ang pagdaragdag ng dalawang testing centers ay pagtugon din ng PRC sa health measures na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease para maiwasan ang pagkalat ng Covid19.
Sa abiso ng PRC, ang mga examinee na orihinal na nakatalaga sa PRC Regional Office IV-A o sa Lucena ay maaaring magpadala ng request letter para lumipat ng examination venue, i-scan lamang ang Notice of Admission at ipadala sa Marinduque Testing Center sa pamamagitan ng email na [email protected] at kung nais naman sa Oriental Mindoro Testing Center ay mag-email sa [email protected] .
“Accommodation of the request for transfer of examination venue shall be until July 9, 2021 only, and on a first come-first served basis,” ayon sa PRC.