DEPED PINAKUKUHA NG PINAKAMAHUHUSAY NA GURO SA ELEMENTARYA
HINIKAYAT ng Philippine Business for Education ang Department of Education na mag-hire ng pinakamagagaling na guro sa elementarya.
Ayon kay PBED executive director Love Basillote, hindi lamang kurikulum ang problema sa edukasyon kundi pati na rin ang mahinang klase ng mga guro kaya wala halos natututunan ang mga mag-aaral.
“Hindi lang curriculum ang problema. The best teachers should be in elementary grades kasi foundational ‘yan,” sabi ni Basillote.
Hinikayat niya rin ang kagawaran na bawasan ang curriculum sa elementarya at mag-focus pa lalo sa reading at mathematics.
“Kailangang mag-focus sa reading and math especially sa early grades (from kindergarten to grade 3),” sabi ni Basillote.
Ayon sa datos ng Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019, nasa 10 percent lamang ng Grade 5 Filipino students ang naka-achieve sa minimum proficiency sa reading, 17 percent sa mathematics, at 2 percent lamang sa writing. Mas mababa pa ang Filipinas sa mga bansang Vietnam at Malaysia. Halos kapareho lamang o ‘di kaya ay mas mas malala pa ang Filipinas sa bansang Cambodia, ngunit angat lamang ng kaunti sa Laos at Myanmar.
Ayon kay Basillote, lubhang nakaaalarma ang krisis ng edukasyon sa bansa.
“The results of the 2019 SEA-PLM is deeply concerning. We don’t only have a problem; we are facing a learning crisis,” sabi ni Basillote.
“This will have a short term impact on our ability to recover from Covid19 and long term impact on this generation’s lifetime earnings and well-being. We need therefore to address this as we would a crisis: decisive leadership, wide community engagement, more resources (budget), and localized interventions,” dagdag pa niya.
Ang SEA-PLM 2019 ay binuo para asistehan ang mga bansa sa Southeast Asia upang lalong masukat at lubos na maunawaan ang learning outcomes sa reading, writing, mathematics at global citizenship sa Grade 5 learners.