Overtime

UST, UP NAKAUNA SA ROUND OF 8 NG SSL UNITY CUP

26 October 2026

DINISPATSA ng University of Santo Tomas at University of the Philippines ang kani-kanilang katunggali sa pagsisimula ng Round of 8 ng 2026 Shakey’s Super League Unity Cup kahapon sa Imus Sports Complex.

Nalusutan ng Golden Tigresses ang tangkang pagbangon ng Ateneo de Manila University Blue Eagles para maitakas ang 25-16, 25-20, 21-25, 25-21 panalo sa Pool F.

Nakabawi naman ang Fighting Maroons mula sa pagkatalo sa unang set upang pabagsakin ang NCAA champion Colegio de San Juan de Letran Lady Knights, 21-25, 25-22, 25-22, 25-16.

Nanguna si Marga Altea para sa Tigresses na may 15 puntos mula sa 11 attacks at apat na kill blocks. Nagdagdag si Ashlee Knop ng 12 puntos, habang may tig-11 naman sina Angge Poyos at Regina Jurado.

Nagtala sina Dona Mae De Leon at Sobe Buena ng tig-12 puntos para sa Ateneo, habang may siyam si Jihan Chuatico.

Nanguna naman si Jelai Gajero sa Fighting Maroons na may 17 puntos mula sa 15 attacks at dalawang kill blocks. Nag-ambag si Jenn Gould ng 14 puntos, habang nagtala si Kianne Olango ng 13, kabilang ang 12 attacks.

Magpapatuloy ang Round of 8 sa Miyerkoles sa Ninoy Aquino Stadium.