Region

KADETE SA PMMA NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG BANYO NG BARRACKS

/ 8 July 2021

ZAMBALES- Isang kadete ng Philippine Merchant Marrine Academy ang natagpuang walang buhay sa loob ng banyo ng kanilang barracks sa nasabing paaralan sa bayan ng San Narciso.

Sa pahayag ng pamunuan ng PMMA, nakilala ang kadete na si 4th Class Jonash Bondoc.

Dakong alas-6:30 ng umaga noong Hulyo 6 nang matagpuang patay si Bondoc sa loob ng palikuran ng kanilang barracks.

Isinugod pa ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Hindi pa natutukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kadete

Kaugnay nito, naghain ng courtesy resignation ang Commandant of Cadets, Battalion Officer at Company Officer ñg PMMA para bigyang-daan ang gagawing imbestigasyon ng pulisya.

Nangako rin ang pamunuan ng PMMA na makikipagtulungan sa pulisya upang malaman ang katotohan sa pagkamatay ng kadete.