Region

GRADE 7 NA DALAGITA NAGHANAP NG CELLPHONE SIGNAL HINALAY, PINATAY

/ 23 November 2020

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na dalagita na natapuang walang anumang saplot at tadtad ng tama ng saksak  sa  sa katawan sa San Narciso, Quezon noong Biyernes.

Kinilala ng San Narciso police ang biktima na si Anne Banico, grade 7 student at residente ng Barangay Punta.

Batay sa report, nagtungo sa masukal na bahagi ng bundok ang dalagita kung saan mayroong cellphone signal para mag-online at makausap ang kanyang guro tungkol sa modules.

Nagpaalam pa ito sa kanyang lolo dakong umaga subalit makalipas lamang ang isang oras ay natagpuan na itong wala ng buhay at tadtad ng tama ng saksak sa leeg at sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Hinihinalang ginahasa rin ang biktima bago pinatay dahil sa walang anuman saplot ito sa katawan nang matagpuan.

Nanawagan naman ang pamilya ng biktima sa may kagagawan ng karumal-dumal na krimen na sumuko na at panagutan ang ginawang pagpaslang sa dalagita.