Region

DEPED OCCIDENTAL MINDORO NAGDEKLARA NG 5-DAY ACADEMIC BREAK

/ 17 January 2022

IDINEKLARA ng Department of Education Occidental Mindoro ang 5-day academic break sa elementary at high school sa probinsya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng Covid19 cases sa bansa.

Ang academic break ay mula Enero 17 hanggang Enero 22.

Ayon sa DepEd, ang hakbang ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at school personnel.

Sa huling datos, nasa 88 ang bagong kaso ng Covid19 sa probinsya.

Pansamantala ring sinuspinde ang limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 3.