Region

CCSJDM ISA NANG INSTITUSYON

/ 15 March 2022

OPISYAL nang kinilala ng Commission on Higer Education ang City College of San Jose del Monte bilang isang institusyon.

Layunin nito na makatulong at makapaghatid ng dekalidad na kaalaman, karanasan at kakayahan para sa mga San Joseño.

Nagpasalamat naman si Mayor Arthur Robes sa bagong hirang na presidente ng City College na si Dr. Roger Ambida, City Administrator Dr. Dennis M. Booth, CHED Chairperson Dr. Propsper De Vera III, CHED Director IV Regional Office III Dr. Leonidas B. Sigua-Calagui, CHED Executive Director Atty. Ryan L. Estevez, National President Association of Local Colleges and Universities-Philippines Dr. Rene M. Colocar, ALCUP Region III President, Member of Board of Trustees ng City College, Vice Mayor Efren Bartolome, sa lahat ng department heads at sa mga barangay chairman ng lungsod.

Sinabi ni Robes na kaisa siya sa pagtataguyod ng edukasyon sa lungsod.

“Nawa’y huwag tayong magsawang maglingkod na may puso at malasakit para sa mga mag-aaral ng mga susunod na henerasyon, dahil ang inyong Punong Lungsod ay inyong kaisa upang mas makilala pa at maging tanyag pa sa larangan ng edukasyon,” ayon kay Robes.