Region

18-ANYOS NA ESTUDYANTE SA LAGUNA PATAY SA HAZING

ISANG 18-anyos na estudyante ang nasawi dahil umano sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity noong Linggo.

/ 22 March 2022

ISANG 18-anyos na estudyante ang nasawi dahil umano sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity noong Linggo.

Dead on arrival sa General Cailles Hospital sa Pakil, Laguns si Reymarc Rabutazo ng Barangay Longos, Kalayaan dahil sa tindi ng mga sugat na tinamo bunsod ng initiation rites.

Ayon sa report ng Kalayaan Municipal Police Station, nakarating sa kanilang tanggapan ang impormasyon noong Linggo na isang binata ang nasawi matapos malunod sa isang ilog.

Nang kanilang puntahan ay doon na napag-alaman na biktima pala umano ito ng hazing.

Ang lola umano ng biktima ang nagsabi sa mga pulis na isinugod ito sa pagamutan.

Sa pagsisiyasat, nakita ang mga pasa sa mga hita ng biktima.

Humiling na ang Kalayaan Municipal Police Station na ma-autopsy ang bangkay ng biktima.