Nation

SAN JUAN, TESDA SANIB-PUWERSA

/ 5 October 2021

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng San Juan at Technical Education and Skills Development Authority ang libreng cake making course para sa mga indibidwal na nais magnegosyo sa gitna ng pandemya.

Katuwang ng San Juan at TESDA ang Center for Asian Culinary Studies.

Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na layon ng programa na matulungan ang mga indibdwal na nawalan ng trabah dahil sa pandemya.

Ayon kay Zamora, magkakaroon ito ng apat na online classes at anim na face-to-face laboratory classes.

Sinabi rin niya na ang screening para sa programa ay mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon hanggang Oktubre 15 sa tanggapan ng CACS sa Brgy. Pasadena, San Juan.

Para sa requirements, maaaring bisitahin ang Facebook page ni Zamora: https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora