PRIVATE FIRMS HINDI PUWEDENG DIKTAHANG I-HIRE ANG K TO 12 GRADS —CONCEPCION
HINDI maaaring utusan ang mga pribadong kompanya na tanggapin sa trabaho ang K to 12 graduates kung hindi kuwalipikado ang mga ito, ayon kay dating presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.

Sinabi ni Concepcion na naka-depende sa mga employer ang pag-hire ng mga empleyado.
Aniya, kung kuwalipikado ang K to 12 graduates para sa posisyon na kanilang inaaplayan ay walang dahilan upang hindi sila tanggapin sa trabaho.
“If they qualify for the job, I’m sure the private sector will hire them,” pahayag ni Concepcion sa Laging Handa briefing.
“The final decision rests with the private sector. We have to respect that because they’re the ones who are hiring,” dagdag pa niya.
Nauna nang umapela si Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa business community na unahin ang K to 12 graduates sa kanilang recruitment.