Nation

PAGBABAKUNA SA MGA GURO TINIYAK NA MATATAPOS SA AGOSTO

/ 14 July 2021

TINIYAK ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na mababakunahan ang lahat ng guro sa Agosto.

Ayon kay Galvez,  ito ang naging pangako nila kay Education Secretary Leonor Briones.

“Iyon po ang aming commitment kay Secretary Liling, na before end of August, ‘yung mga teacher po ay mabakunahan po natin,” pahayag ni Galvez.

Idinagdag ni Galvez na inaasahang mababakuhan din ang 1.8 milyong kawani ng gobyerno at 2.2 milyong overseas Filipino workers.

“Gusto na rin na po tapusin natin po ‘yung pagbabakuna sa ating mga security sector, lalong-lalo na po pati ‘yung OFWs, pati ‘yung teacher kasi napagkayarian na po natin sa IATF (Inter-Agency Task Force) na kung just in case talagang magkakaroon tayo ng open face-to-face sa ating — sa ating education, kailangan po ‘yung lahat ng teachers ay mabakunahan po,” ayon pa kay Galvez.