Nation

MGA HAMON NG K-12 SA ‘NEW NORMAL’ TATALAKAYIN  SA DEPED SUMMIT

/ 21 November 2020

TATALAKAYIN sa ilulunsad na ikalawang National Summit ng Department of Education ang mga karapatan ng mga kabataan at ang mga hakbang upang maipagpatuloy ang K-12 sa gitna ng kinakaharap na krisis pangkalusugan ng bansa.

Ang pagpupulong, na may temang “Isulong! Karapatan ng Bawat Bata sa Edukasyon sa Panahon ng Covid19,” ay gaganapin online mula Nobyembre 23 hanggang 24 at pangungunahan ng Office of the Undersecretary for Legal Affairs.

Ayon sa DepEd, tatalakayin sa nasabing summit ang mga hakbang upang maipagpatuloy pa rin ang K-12 curriculum kahit na humaharap ang bansa sa ‘new normal’ na paraan ng edukasyon dahil sa Covid19.

Ang programang K-12 ang nagpalawig sa basic education system ng bansa.

Dahil sa K-12 nagkaroon ng karagdagang dalawang taon sa High School.

Ang pagpupulong ay isinabay na rin sa paggunita ng National Children’s month.