Nation

LEARNING KITS IPAMAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL SA QC

/ 19 July 2024

ILANG araw bago ang balik-eskuwela ay mamamahagi ng learning kits sa mga mag-aaral ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Kabilang sa mga makatatanggap ang mga mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Kasama ito sa regular na tulong ng LGU para makabawas sa gastusin ng mga magulang at masigurong may sapat na kagamitan ang mga estudyanteng magbabalik-eskuwela.

Ayon sa LGU, laman ng bawat learning kits ang iba’t ibang school supplies base sa kanilang grade level, tulad ng notebooks, ballpens, pencil, crayons, clay, note pads, alcohol dispenser, small whiteboard, marker, tumbler, at iba pa.

Target ng LGU na makapamahagi ng 440,000 learning kits para sa SY 2024-2025.

Mula noong 2020, umabot na sa higit dalawang milyong learning kits ang naipamigay ng QC LGU.