Nation

40 HEIs GAGAWING VACCINATION HUBS

/ 31 May 2021

UPANG mapabilis ang vaccination rollout ng bansa, nasa 40 higher education institutions ang pumayag na gawing vaccination sites ang kanilang mga pasilidad.

Ayon kay CHED Chairman Popoy De Vera, nakikipagnegosasyon na sa kani-kanilang LGU ang naturang mga unibersidad para gamiting  vaccination sites ang kanilang mga gusali.

“We put together the public health experts group of CHED, the local health officials, the local government, the school authorities to look at the school and identify the most appropriate vaccination center, the most appropriate quarantine center, and how we retrofit to eventually bring back students,” sabi ni De Vera.

Kasabay nito, tiniyak ni De Vera ang kaligtasan ng mga estudyanteng magbabalik sa face-to-face classes sa gitna ng pandemya.

Nabatid na umaabot na sa  64 universities and colleges ang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes sa kanilang medical at allied health programs.