KabataanSaHalalan

REELECTIONISTS, EX-SENATORS HUMABOL SA HULING ARAW NG COC FILING

/ 9 October 2021

NAGHAIN na rin ng kanilang kandidatura bilang reelectionists sina Senators Sherwin Gatchalian, Leila de Lima at Richard Gordon.

Humabol din sa listahan ng senatoriables sina Labor Secretary Silvestre Bello III, dating Agriculture Secretary Manny Piñol, dating Senador Antonio Trillanes IV, broadcasters Noli de Castro at Rey Langit, Melchor Chavez at Francis Leo Marcos.

Bukod kay Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, naghain din ng kandidatura sa pagka-pangulo si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella at 25 iba pa.

Sa pagka-bise presidente, bukod kay Senador Kiko Pangilinan ay may anim pang personalidad ang nag-file ng COC.

Samantala, nasa mahigit 50 Partylist Groups naman ang humabol sa paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance sa huling araw ng filing ng kandidatura.