Campus

PAGBUBUKAS NG KLASE SA ST. MARY’S COLLEGE QC TULOY KAHIT ECQ

/ 6 August 2021

TULOY ang pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng distance learning sa St. Mary’s College Quezon City sa Agosto 9 kahit nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila simula Agosto 6.

Sa anunsiyo ng SMC QC sa kanilang official FB page, hindi maaantala ang pag-aaral o online/distance learning ng mga estudyante sa Basic Education at College departments.

Nangangahulugan na sa Agosto 9, Lunes, ay simula na ang pag-aaral ng mga nasa elementarya, sekondarya at kolehiyo.

Habang ang onsite transactions gaya ng pagbili ng textbook ay pinayagan hanggang kahapon, Agosto 5.

Tiniyak naman na susunod ang paaralan sa ECQ protocols.

Pinalawig ang online enrollment hanggang Agosto 31.