Campus

P500 ENROLLMENT FEE SA NATIONAL TEACHERS COLLEGE

/ 31 August 2020

SA HALAGANG P500 ay maaari nang makapag-enroll ang mga estudyante ng  National Teachers College para sa school year 2020-2021.

Ito ay para sa lahat ng antas mula Kinder hanggang Grade 12 at sa kolehiyo.

Ang tuition sa  kolehiyo ay maaaring bayaran sa quarterly installment basis habang ang sa elementarya ay maaaring hanggang siyam na buwan, ganoon din sa senior high school na walang DepEd voucher.

Samantala, ang mga estudyante na may voucher ay P600 lamang ang dapat bayaran para sa buong taon.

Sa kabila ng pandemya ay tiniyak ng NTC ang dekalidad na edukasyon sa kanilang mga estudyante.

Ang NTC ay gagamit ng modified learning at correspondence learning para sa darating na pasukan.

Ang modified learning ay ang pagkakaroon ng interaksiyon ng mga estudyante sa kanilang mga guro gamit ang mga online platform, habang ang correspondence learning ay ‘self-directed learning’ kung saan mamamahagi ang eskuwelahan ng modules sa pamamagitan ng  email o maaari ring kunin ang mga ito sa NTC.

Ang klase sa NTC ay magbubukas sa Setyembre 1.