Campus

CENTRAL COLLEGES OF THE PHILIPPINES MAY REFERRAL PERKS SA ENROLLEES

/ 22 July 2021

SA GITNA ng pangamba sa surge ng Covid19 cases dahil sa pagsulpot ng Delta variant, masigla pa rin ang mga kolehiyo, unibersidad at mga paaralan sa sekondarya at elementarya na himukin ang mga estudyante na mag-enroll ngayong taon.

Isa ang Central Colleges of the Philippines sa masigasig na naghihikayat sa kanilang learners para ipagpatuloy ang pag-aaral sa nasabing institusyon.

Upang lumakas din ang camaraderie ay nanawagan ito sa enrollees na mag-imbita ng aplikante sa temang “natuto habang may katropa at kaibigan”.

Ang mga makapagre-refer ng kakilala, kaanak at kaibigan na mag-enrol sa piling kurso o programa ng CCP ay mabibiyayaan ng P1,000 discount sa tuition.

Ang may referral  perks ay ang programa o kursong BS Civil Engineering, BS Electrical Engineering, BS Mechanical Engineering,  AB Psychology, BS Information Technology,

BS Business Administration, Master in Business Administration, Master in Public Administration, at Certificate in Teacher Education.

Sa mga mag-iimbita ng aplikante, magpadala lamang ng mensahe sa [email protected] para  makakuha ng referral form.