Campus

AGE DOESN’T MATTER: 2 SENIORS GRADUATE NA

/ 7 August 2021

SA KABILA ng kanilang edad ay itinuloy pa rin ng dalawang ina na kapwa senior citizen ang kanilang pag-aaral hanggang sa magkaroon ng diploma.

Kamakailan ay nag-graduate si Candelaria Bahia, 68-anyos, sa Grade 10 sa Dasmariñas West National High School, Cavite.

Ayon kay Teacher Jories S. Fermin, nakitaan niya ng kasipagan at pagpupursigi si Nanay Candelaria.

Dagdag ni Teacher Jories, inalok nila si Nanay Calendaria na magpalista sa Alternative Learning System at Philippine Educational Placement Test  upang mapabilis ang pag-angat niya ng grade level ngunit tumanggi ito.

Katuwiran ni Nanay Candelaria, gusto niyang maranasang maging isang regular na estudyante.

Nakapagtapos naman ng Junior High School sa Gov. DM Camerino Integrated School sa Imus, Cavite ang 67-anyos na si Pilar, na isang tindera ng gulay.

Kuwento ni Teacher Lucila M. Toledo, likas kay Nanay Pilar ang pagiging determinado sa pag-aaral.

Sa kasalukuyan, sinigurado ng Gov. DM Camerino Integrated School na nakaabang na ang informal education at programang body massage o spa para sa susunod na yugto ng pag-aaral ni Nanay Pilar.