Region

27 MANGGAGAWA SA REGION 5 NAKATAPOS NG 5-DAY COURSE

/ 22 March 2026

NATAPOS ng kabuuang 27 manggagawa mula sa iba’t ibang lalawigan ng Bicol Region ang limang araw na pagsasanay na pinamagatang “Training of Trainers on Good Agricultural Practices (GAP) for Coconut”

Pinangunahan ito ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center V (ATI Bicol), na naglalayong itaas ang antas ng kaalaman ng mga manggagawa hinggil sa food safety at kalidad ng mga produktong niyog.

Binigyang-diin din sa pagsasanay ang pangangalaga sa kalikasan at ang kapakanan ng mga magsasaka.

Ayon sa ATI Bicol, ang mga nagtapos sa naturang programa ay magsisilbing bagong hanay ng mga tagapagsanay na magbabahagi ng kaalamang GAP sa iba pang magsasaka sa buong rehiyon.