Overtime

UAAP: GREEN ARCHERS KUMAKATOK SA ‘FINAL FOUR’

16 November 2026

PINALAKAS ng De La Salle University Green Archers ang kanilang tsansa sa ‘Final Four’ matapos pataubin ang Adamson University Soaring Falcons, 84-69, sa UAAP Season 89 men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Umangat sa 7-5 kartada ang Green Archers at may dalawang natitirang laro sa elimination round kontra University of the Philippines Fighting Maroons at Far Eastern University Tamaraws.

Pinangunahan ni Jacob Cortez ang balanseng opensa ng La Salle sa kanyang 15 puntos, 4 rebounds, 4 steals, at 2 assists.

Nag-ambag naman si Luis Pablo ng 14 puntos, habang nagtala sina Jan Macalalag at Joaquin Tovera ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Agad na nagdikta ng tempo ang Green Archers matapos magtayo ng 25-15 kalamangan sa first quarter bago pinalobo ang kanilang bentahe sa pinakamalaking 25 puntos sa 48-23.

Sinubukan pang makabawi ng Adamson sa second half sa pamamagitan ng kanilang outside shooting ngunit nagawa ng Green Archers na makasagot ng basket upang selyuhan ang panalo.

Nanguna para sa Falcons sina Ray Allen Torres at Manu Anabo na kapwa nagtala ng 14 puntos, habang nagdagdag si Monty Montebon ng 11.

Bumagsak ang Adamson sa 5-8 at lalong nalagay sa alanganin ang kanilang pag-asang makapasok sa Final Four, isang laro na lamang ang natitira sa kanilang iskedyul. ADRIAN CO

Iskor:

DLSU (84) – J. Cortez 15, Pablo 14, Macalalag 12, Tovera 11, Amos 7, Agunanne 7, Gagate 6, Marasigan 5, Abadam 5, M. Cortez 2, Dungo 0, Sardon 0.

ADAMSON (69) –  Torres 14, Anabo 14, Montebon 11, Pacquiao 9, Tumaneng 6, Perez 5, Cañete 3, Jonah 2, Mangaron 2, Demisana 2, Barcelona 1, Medina 0, Edding 0, Cruz-Dumont 0, Erolon 0.

Quarterscores: 25-15, 48-26, 69-50, 84-69