KLASE SA 18 ISKUL SA BICOL SUSPENDIDO
NASA 18 paaralan sa rehiyon ng Bicol ang nagsuspinde ng klase nitong Martes dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa Department of Education.
NASA 18 paaralan sa rehiyon ng Bicol ang nagsuspinde ng klase nitong Martes dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa Department of Education.
Batay sa situation report ng DepEd hanggang Hunyo 12, ilang mga paaralan na matatagpuan sa mga munisipalidad ng Camalig, Daraga, Guinobatan, at Malilipot at sa mga lungsod ng Ligao at Tabaco sa Albay ang nagsuspinde ng klase sa gitna ng magmatic unrest ng bulkan.
Sa kabuuan, 14 eskuwelahan ang ginagamit bilang evacuation centers.
Dalawang paaralan ang nasa loob ng six-kilometer radius Permanent Danger Zone ng Mayon, habang 45 eskuwelahan ang nasa loob ng seven-to eight-kilometer radius.
Noong Lunes, pinalawig ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon hanggang pitong kilometro dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.