KLASE SA TUGUEGARAO SINUSPINDE DAHIL SA LINDOL
IPINAG-UTOS ni Tuguregarao City Mayor Maila Ting-Que ang pagsuspinde sa klase sa lahat ng antas sa kanyang nasasakupan kasunod ng pagtama ng 5.8 magnitude quake kahapon ng alas-10:49 ng umaga.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natunton ang epicenter ng tectonic in origin na lindol sa layong 15 kilometro sa Maconaco, Isabela.
Naramdaman ang intensity 5 sa Tuguegarao City na siyang dahilan ng class suspension.
Nais ni Ting-Que ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at school workers kaya sinuspinde ang klase.
Kasunod nito ay iniutos ng alkalde na magsagawa ng evaluation and assessment sa mga gusali ng paraalan, gayundin sa iba pang mga establisimiyento.
Samantala, nagsilabasan ang mga kawani at pasyente ng Cagayan Valley Medical Center mula sa ikaapat na palapag ng pasilidad dahil sa naranasang pagyanig..
Ayon kay Dr. Cherry Lou Antonio, chief medical professional staff ng CVMC, agad din na nagsagawa ng inspeksiyon sa mga gusali ang kanilang mga engineer para matiyak ang kaligtasan ng mga kawani at pasyente.