Nation

SITUATIONAL REPORT NG CHR SA PANDEMIC GENERATION GRADUATES PINALAGAN

/ 13 April 2023

KINONTRA ni Senador Francis Tolentino ang inilabas na situational report ng Commission on Human Rights na nahihirapan ang mga pandemic generation graduate na maghanap ng trabaho dahil sa kakulangan ng soft at practical job skills.

Sinabi ni Tolentino na bagama’t naging hamon sa karamihan ang online learning, marami ang na-develop na soft skills tulad ng time management, perceptiveness, pakikinig at self-discipline sa panahon ng pandemya.

Aminado naman ang senador na bahagyang naiwanan ang interpersonal skills subalit tiwala pa rin siyang dahil sa hard skills, maituturing pa ring competitive ang mga Pinoy graduate.

Kailangan na lamang aniyang maka-recover nang tuluyan ang ekonomiya matapos ang pandemya.

Sa kabilang dako, aminado si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na marami nang pangyayari sa bansa ang nakaaalarma.

Bukod sa mahirap makakuha ng trabaho, marami, aniya, sa kabataan ang nahihirapan ding makabili ng sarling bahay dahil sadyang mahirap ang buhay ngayon.

Dahil dito, iginiit ni Pimentel na dapat maging productive citizens ang lahat habang kailangan ang patuloy na paglalagak ng puhunan sa human capacity lalo na sa kabataan at tiyaking mayroon silang sapat na kaalaman at kagalingan na mapapakinabangan sa buhay.