UST SWAK SA FINALS NG NSAC WORLD BASKETBALL
PASOK sa finals ng NSAC World Invitational ang University of Santo Tomas matapos gapiin ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa double overtime, 97-92, sa semis kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Nagbida si Collins Akowe sa kanyang double-double na 33 puntos at 22 rebounds, dalawang blocks at isang assist, habang nagdagdag si Liam Acido ng 17 marka para sa Growling Tigers.
Tumipwbsi Landyn Jumawan ng 15 puntos, kabilang ang mga krusyal na puntos sa second overtime, habang kumamada si Kirk Cañete ng 10 puntos para sa UST.
Abante ang koponan ni head coach Alfredo “Pido” Jarencio sa one-game championship ngayong araw, kung saan makakatapat nito ang San Beda University Red Lions o Japan B.League squad na Nagoya Diamond Dolphins.
Nanguna si Lawrence Mangubat para sa Heavy Bombers sa kanyang 26 puntos, nagdagdag si Chris Hubilla ng 16 puntos at may tig-10 marka naman si Sean Salvador at Allan Laurenaria.
Sa classification round, dinaig ng Formosa Tiger Kings ang Far Eastern University Tamaraws, 97-79; habang nagwagi naman ang Tenri University sa Elite Stocks, 80-63.