QUIAMBAO BACK-TO-BACK UAAP MVP
NAKOPO ni Kevin Quiambao ng De La Salle University ang kanyang ikalawang sunod na UAAP Most Valuable Player (MVP) award.
NAKOPO ni Kevin Quiambao ng De La Salle University ang kanyang ikalawang sunod na UAAP Most Valuable Player (MVP) award.
Si Quiambao ay nanguna sa statistical points race sa nakolektang 81.357 statistical points (SPs) sa averages na 16.6 points (isang league-best), 8.6 rebounds, 4.1 assists, at 1.0 steals per game.
Higit sa stats, tinulungan ni Quiambao ang kanyang eskuwelahan na kunin ang top seed, kung saan nakopo ng La Salle ang 12-2 record sa pagtatapos ng eliminations at ang isa pang Final Four berth.
Bago si Quiambao, ang huling back-to-back MVP ay si Ben Mbala ng DLSU sa Seasons 79 at 80. Bago si Mbala, si Kiefer Ravena ng Ateneo de Manila ay nagwagi rin ng dalawang sunod sa Seasons 77 at 78.
Sumunod kay Quiambao at kapwa Mythical Five member ang isa pang La Salle stalwart, sa katauhan ni Mike Phillips, na may averages na 12.0 points, 11.6 rebounds, at 2.4 assists per game na may 74.929 SPs.
Ang iba pang bumubuo sa Mythical Five ay sina University of the Philippines’ JD Cagulangan, na nagposte ng averages na 11.8 points, 5.0 assists, at 5.0 rebounds per game, at nakakolekta ng 69.167 SPs; Far Eastern University’s Mohamed Konateh, nagtala ng 16.7 points, 16.7 rebounds, at 1.0 block per contest para sa 68.643 SPs; at University of Santo Tomas’ Nic Cabanero, na may 16.3 points, 5.4 rebounds, at 1.9 assists per game para sa 61.000 SPs
Nakalikom si Precious Momowei ng University of the East ng 67.538 SPs na may averages na 14.4 points, 12.8 rebounds, at 1.2 assists, subalit na-disqualify sa selection dahil sa suspension sa kalagitnaan ng season.
Samantala, si Veejay Pre ng FEU ang , Rookie of the Year.
Nagwagi si Pre makaraang makalikom ng 50.857 SPs sa 7.1 points, 6.4 rebounds, at 1.4 assists per game.