PH WOMEN’S SOFT TENNIS TEAM NAKASIGURO NA NG MEDALYA SA ASIAD
NAKASIGURO na ng podium finish ang Philippine women’s soft tennis team matapos makapasok sa semifinals ng team event sa 2026 Asian Games kahapon sa Nagoya, Japan.
Nasungkit ng Pilipinas ang dalawang sunod na panalo sa group stage matapos walisin ang Mongolia, 3-0, at talunin ang Thailand, 2-1, sa Higashiyama Park Tennis Center.
Dahil dito, nakasiguro ang koponan ng hindi bababa sa bronze medal bago ang kanilang semifinal match bukas. Posible nilang makatapat ang Japan o South Korea.
Nanguna sina Princess Catindig at Bien Zoleta sa panalo kontra Mongolia matapos daigin ang tambalan nina Khongorzul Ganbold at Enkhjin Amarjargal, 4-0, 4-1, 4-2, 4-2, at 4-2.
Sinundan ito ni Christy Sanosa, na nanaig kay Enkhkhuslen Ganbaatar, 4-1, 4-1, 5-3, 6-4.
Kinumpleto nina Shyryn Salazar at Hilary Paas ang dominasyon ng Pilipinas nang pabagsakin ang pares nina Namuunkhuslen Erdembileg at Anu-ujin Gantur, 5-3, 4-0, 4-2, 4-2, at 4-0.
Mas naging maigting ang laban kontra Thailand, ngunit nakakuha pa rin ang Pilipinas ng sapat na panalo para masungkit ang puwesto sa semifinals.
Muling nagtagumpay sina Catindig at Zoleta laban kina Thanpitcha Somsanit at Praewa Jongit, 6-4, 6-4, 4-6, 2-4, 4-1, 6-4, at 8-6.
Nag-ambag din si Sanosa ng mahalagang panalo matapos talunin si Chatcha Klomkamol, 4-0, 4-1, 6-4, at 4-0.
Hindi naman nakumpleto nina Salazar at Paas ang sweep nang matalo sa tambalan nina Buntita Phoungprapa at Alisha Ziegler, 4-2, 4-2, 4-0, 12-0, 1-4, 3-5, 0-4, at 4-1.