MATAPOS ANG PANALO KAY ŚWIĄTEK EALA UMANGAT SA CAREER-BEST NO. 28 SA WTA LIVE RANKINGS
PATULOY na gumagawa ng kasaysayan si Alexandra Eala matapos umakyat sa career-best No. 28 sa WTA live rankings kasunod ng makasaysayan nitong pagpasok sa fourth round ng Wimbledon sa All England Club sa London, England.
No. 32 sa official rankings, umangat si Eala sa live rankings matapos nitong hubaran ng korona si world No. 3 at five-time Grand Slam champion Iga Świątek, 7-6(9), 6-2, sa third round Sabado ng gabi.Sa panalo, nadagdagan ang ranking points ng 21-anyos na Pinay mula 1,556 tungo sa 1,666, dahilan upang makapasok siya sa top 30 ng WTA sa unang pagkakataon sa kanyang karera.
Kapantay ni Eala sa puntos ang Russian na si Anastasia Potapova, ngunit nananatili itong No. 27 batay sa tiebreak procedures ng WTA. Walong puntos na lamang din ang agwat niya kay world No. 26 Emma Navarro.
Bukod sa pag-angat sa rankings, natiyak din ni Eala ang pinakamalaking premyo sa kanyang propesyonal na karera. Ang pagpasok sa Round of 16 ay may katumbas na garantisadong premyong £300,000 o mahigit P24 milyon.
Isa si Eala sa pinakamalalaking kuwento ng Wimbledon ngayong taon matapos nitong simulan ang kampanya sa panalo laban kay Renata Zarazua ng Mexico bago sinundan ng tagumpay kontra Australian Maya Joint sa second round.
Lalo pang tumingkad ang kanyang kampanya nang pataubin niya si Świątek. Ito rin ang panibagong kabanata sa kanilang paghaharap matapos talunin ni Eala ang Polish star sa 2025 Miami Open bago gumanti si Świątek sa 2025 Madrid Open.
Itinuring ni Eala na pinakamalaking laban at tagumpay sa kanyang karera ang panalo kontra Świątek.
Matapos ang impresibong panalo, sinabi ni Eala na isang pangarap ang makapaglaro sa prestihiyosong Centre Court ng Wimbledon laban sa isa sa pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo.
“Yeah. Of course, this is one of the biggest matches of my life, for sure. And this is my dream court, so I’m really happy with the atmosphere that you guys gave. Thank you so much for cheering me on,” ani Eala.
“Obviously, because I’m emotional does not mean I’m satisfied. Yeah, okay. Next round. Let’s go,” dagdag pa niya.
Ayon sa 21-anyos na Pinay, bunga ng matagal na paghahanda at pagsisikap ang pagkakataong maipakita ang kanyang kakayahan, lalo na matapos maungusan si Świątek sa mahigpit na first-set tiebreak.
“How many times have I dreamed of opportunities like this? To win a first set 11-9. So, when I have my opportunities, I have to take it,” pahayag pa ni Eala.
“You know, they’re blessings. Being here is a blessing. I worked super, super hard to get here. And I’m taking it. If I have it, I have the chance. I’m taking it,” aniya.
Bagama’t emosyonal matapos ang laban, iginiit ni Eala na hindi pa siya kuntento at nakatuon na agad ang kanyang pansin sa susunod na round ng torneo.
“For someone who grew up in the Philippines. I’m with my brother and my grandmother everyday after school training with my purple socks and my light-up shoes and chubby cheeks. So, to her, this is everything. Thank you very much.”
Nagpasalamat din si Eala sa walang sawang suporta ng mga Pilipino, na aniya’y nagsilbing inspirasyon niya sa buong laban.
“It’s incredible to have my countrymen cheering me on and knowing that we’re all in this together. So, this goes out to them, this goes out to my family, this goes out to all the little girls with ruffled socks and chubby cheeks. Yeah, so it means the world,” ani Ealla.