Overtime

LRT-2 MAY LIBRENG SAKAY SA PALARO ATHLETES

MAY libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 sa mga atleta at delegado ng Palarong Pambansa.

/ 1 August 2023

MAY libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 sa mga atleta at delegado ng Palarong Pambansa.

Bukod sa Palarong Pambansa players, coaches, at trainers, ang libreng sakay sa tren ay para rin sa national at local committee members, volunteers, staff, at accredited media mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5.

Kailangan lamang nilang magpakita ng valid Palarong Pambansa ID sa station teller o sa Automated Fare Collection System gate guards, ayon sa Light Rail Transit Authority.

Nagbukas ang 63rd Palarong Pambansa nitong Lunes, Hulyo 31, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan dala ng Bagyong Falcon at Habagat.

Ang Marikina City ang host ngayong taon ng multi-sport event na tinatampukan ng mga student-athletes mula sa 17 rehiyon.

Ito ang unang pagkakataon na idaraos ang Palaro sa loob ng tatlong taon mula nang tumama ang Covid19 pandemic sa bansa.

Itinakda ang competition proper mula Agosto 1 hanggang Agosto 5, ngunit ang ilang mga laro na ang nagsimula nitong Lunes.