Overtime

EALA MAINIT ANG SIMULA SA US OPEN

3 September 2026

AGAD na nagpakitang-gilas si Filipina tennis star Alexandra Eala matapos walisin si American qualifier Mary Stoiana, 6-1, 6-2, sa first round ng 2026 US Open kahapon sa Louis Armstrong Stadium sa New York.

Bilang No. 17 seed, agad na kinontrol ni Eala ang laro at nagtala ng 61 puntos kumpara sa 42 ni Stoiana. Labindalawang games din ang nakuha ng Pinay laban sa tatlo ng kanyang American opponent.

Malaking bentahe rin para kay Eala ang kanyang service. Naikonekta niya ang 63% ng kanyang first serves at napanalunan ang 78% ng mga puntos mula rito. Nakuha rin niya ang 56% ng mga puntos sa kanyang second serve.

Apat sa walong break-point opportunities ang napakinabangan ni Eala, habang walo sa kanyang 11 service games ang kanyang napanalunan. Hindi naman nakapag-convert si Stoiana sa anim niyang break-point chances.

Kapwa walang ace ang dalawang manlalaro, habang tig-tatlong double faults  ang kanilang naitala.

Naging kapansin-pansin ang consistency ni Eala sa kabuuan ng laban, kung saan nakakuha siya ng 23 receiving points at 38 service points. Umabot sa lima ang kanyang pinakamahabang sunod-sunod na panalo sa games.

Bagama’t malinis ang naging resulta, aminado si Eala na hindi naging madali ang laban.

“Yeah, of course it was very difficult. You know, every exchange had its own challenges, especially in the start of the second set,” ani Eala sa post-match interview.

“ I think she put me in uncomfortable positions and she’s been having a great run, coming from quali and good past couple of weeks, so I’m really happy with this match,” dagdag niya.

Ikalawang panalo ito ni Eala kontra Stoiana. Una nang tinalo ng Pinay ang Amerikana, 7-5, 6-2, sa W100 tournament sa Landisville, Pennsylvania noong 2024.

Sa second round, makakasagupa ni Eala si Oleksandra Olinykova ng Ukraine, na naitala ang 6-4, 6-4 panalo kontra American wildcard Reese Brantmeier.

Kapwa puntirya nina Eala at Olinykova ang pag-abante sa third round ng huling Grand Slam tournament ng taon.