Overtime

DEPED-6 TINIYAK ANG KALIGTASAN NG STUDENT-ATHLETES SA WVRAA

TINIYAK ng Department of Education-Region 6 ang kaligtasan ng mga student-athlete na sasabak sa Western Visayas Regional Athletic Association meet sa gitna ng init ng panahon at pagtaas ng kaso ng Covid19.

/ 23 April 2023

Ayon kay DepEd-6 Director Ramir Uytico, may protocols para sa 4,182 student-athletes na lalahok sa WVRAA mula Abril 26 hanggang 30 sa lalawigan ng Aklan.

Pinuri ni Uytico ang DepEd-Aklan Schools Division Office sa paghahanda nito bilang hosts ng regional games na gaganapin sa Aklan Sports Complex sa bayan ng Makato.

Upang maiwasan ang anumang malaking insidente sa kalusugan, sinabi ni Uytico na sumailalim ang mga student-athlete sa medical evaluation..

Sinabi rin ni Uytico na may naka-standby na medical team at nakipag-coordinate na ang DepEd sa mga ospital sa bayan ng Kalibo sakaling magkaroon ng emergency.