Region

WANTED: 34 INSTRUCTORS SA AURORA-BASED COLLEGE

/ 17 August 2022

NAGHAHANAP ng 34 instructors ang Aurora State College of Technology upang madagdagan ang mga magtuturo sa eskwelahan.

Ang mga hinahanap na guro ng ASCOT ay lima para sa Department of Information Technology, 25 para sa Department of Arts and Sciences, at apat sa Department of Agriculture and Aquatic Sciences.

Ang mga ito ay maaatasang magturo sa mga programa tulad ng Hospitality Management, Foreign Language, Physical Education, Social Science, English, Math, Filipino, Biology at Chemistry, at Science.

Ayon sa ASCOT, mas magandang may units o may master’s degree ang mga mag-aaplay kahit wala silang karanasan at kaukulang training para sa trabaho.

Maaaring mag-apply ang mga kuwalipikadong indibidwal kahit ano pa ang kanilang edad, kasarian, relihiyon, o politikal na kulay.

Kailangan nilang magpasa ng Letter of Application, Personal Data Sheet, transcript of records, at iba pang papeles.

Maaaring ipadala ang kanilang mga papeles sa [email protected] hanggang August 30, 2022, para sa paunang pagtingin ng kanilang mga dokumento.