Region

TEACHER PATAY SA PAMAMARIL SA SARIAYA, QUEZON

/ 2 July 2021

BLANGKO pa rin ang Quezon Police hinggil sa pagpaslang sa isang guro sa bayan ng Sariaya sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Marilou Lagaya, 48, public school teacher.

Batay sa blotter ng Sariaya Police, alas-3:40 ng hapon noong Hunyo 28,  pauwi na si Lagaya mula sa pinapasukan nitong elementary school at lulan ng motorcycle na minamaneho ng pinsang si Maricel Surquia, nang ilang bese barilin ng hindi pa nakikilalang salarin gamit ang caliber .45.

Naganap ang pamamaril sa sub-village ng Berhinan sa Brgy. Manggalang.

Makaraang matiyak na wala nang buhay ang guro ay tumakas ang suspek.

Sinabi ng pulisya na batay sa kanilang imbestigasyon, wala namang nakaalitan ang guro.