Region

TAYTAY SCHOOL PRINCIPALS NAKATANGGAP NG MAAGANG PAMASKO MULA SA LGU

/ 12 December 2021

NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa lokal na pamahalaan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal ang mga punong-guro mula sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Mayor Joric Gacula, ang munting regalo ay bilang pasasalamat sa taos-pusong paglilingkod at pagsasakripisyo ng mga punong-guro lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Maraming salamat po sa ating mga principals para sa inyong buong-pusong pamumuno sa bawat paaralan sa Taytay,” ani Gacula.

“Ipagpatuloy ninyo po ang paghubog sa kakayahan at talento ng ating kabataang Taytayeño tungo sa kaunlaran ng ating bayan,” dagdag pa ng alkalde.

Hindi naman binanggit ng lokal na pamahalaan kung anong regalo ang kanilang ibinigay sa mga principal sa kanilang bayan.

“Nawa’y nagustuhan ninyo po ang ating gift!” pagwawakas ni Gacula.