Region

SK SA CAVITE MAY CASH ASSISTANCE SA MGA ESTUDYANTE

/ 26 November 2020

NAMAHAGI ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pantaleon Granados, GMA, Cavite ng cash assistance sa mga high school at college student sa lugar.

Sa panayam ng The POST, sinabi ni SK Chairman Nikki Padilla na nagkakaloob din sila ng school supplies sa Grade 1 hanggang college students at libreng anti-rad graded/ non-graded eyeglasses eye check up sa EO Dasma.

Ito ay bilang tulong sa mga estudyante ng kanilang barangay sa online at modular learning.

“We just finished conducting three projects intended for students to help them in their online/modular classes,” sabi niya.

Samantala, sisimulang ipamahagi ng SK ang school supplies para sa mga kindergarten sa susunod na linggo.

Ayon pa kay Padilla, taon-taon ang pagbibigay nila ng cash assistance at school supplies sa mga estudyante.