Region

PSU STUDENT NAGBIGAY NG LIBRENG ART WORKSHOP

/ 6 June 2021

ISANG estudyante ng Pangasinan State University Infanta Campus ang nagsagawa ng libreng art workshop.

Sa tulong ng kanilang municipal councilor, nagbigay si Patrick Jhon Rebollido ng libreng art workshop at namahagi ng art materials sa mga estudyante sa kanilang komunidad.

Binigyan ng certificate ang mga dumalo sa nasabing art workshop.

Bagaman hindi itinuturing ang sarili na isang eksperto, sinabi ni Rebollido na nais niyang ibahagi ang kanyang talento sa iba.

Dagdag pa niya, patuloy niyang ibabahagi ang kanyang talento upang makatulong sa komunidad.

“It’s extremely uplifting to help based on what you have to offer. We will continue to use our talent to help children in our community.”

Nagsagawa rin siya ng art workshop sa Sual National High School, katuwang ang student government ng eskwelahan.