Region

NAISTORBO SA PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS, GURO SA NUEVA ECIJA SINUNOG

/ 21 March 2021

HINATAW ng kahoy ang ulo at saka sinunog ng isang 20-anyos na binata ang isang lasing na guro sa Barangay San Pascual, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Kinilala ni PCol. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang biktimang si Rolando dela Cruz, 63, residente sa Barangay San Alejandro, bayan ng Quezon.

Arestado naman ang suspek na si Joebert Gamrot, residente sa nasabing lugar.

Batay sa police report, nadaanan ng biktima ang suspek na noo’y aligaga sa paglalaro ng Mobile Legends at biglang sunod-sunod na binatukan ang huli.

Sa pagkagulat ay kumuha ng kahoy ang binata at sunod-sunod na hinataw ang ulo ng lasing na guro.

Nang hindi kumikilos si Cruz ay sinilaban umano ito ng suspek.

Sinabi ni Santos na patuloy pa nilang iniimbestigahan kung may dati nang alitan sina Cruz at Gamrot upang umabot sa pananakit at patayan ang insidente.