LIBRENG LAPTOPS, TABLETS SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS SA NOVELETA, CAVITE
NASA 5,000 tablets ang itinurn-over sa Department of Education ng pamahalaang lokal ng Noveleta sa Cavite para sa Noveleta National High School bilang paghahanda sa nalalap-it na pasukan.
Ang mga tablet ay ipamamahagi sa mismong araw ng pasukan ni Mayor Dino Reyes-Chua pa-ra sa junior high school, senior high school at Secience High School ng naturang eskuwelahan.
Bukod dito, bibigyan din ni Chua ng laptops at tablets ang lahat ng guro sa mga pampublikong eskwelahan sa Noveleta.
Kasama rin dito ang SIM cards na may LTE at free data.
Samantala, tuloy-tuloy ang pagkakabit ng mga libreng wifi hotspot sa lahat ng barangay hall sa Noveleta at mga pampublikong eskuwelahan sa lalawigan.
Ito ay bilang tugon sa pangangailangan ng mga guro at estudyante sa new normal education.