Region

LIBRENG LAPTOP SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS, STUDENT-JOURNALISTS SA KAWIT, CAVITE

/ 9 January 2021

PINANGUNAHAN ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Aguinaldo ang pamamahagi ng mga laptop para sa mga guro at mag-aaral ng lungsod noong Miyerkoles, Enero 6.

Mga guro at student-journalist mula sa Emiliano Tria Tirona Memorial National High School ang nakatanggap ng laptop mula sa lokal na pamahalaan ng Kawit.

Ayon kay Aguinaldo, ang mga munting regalo ay para masigurong patuloy ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon ngayong akademikong taon kahit na nasasadlak pa rin ang buong bansa sa panganib na dulot ng Covid19.

Binigyang-diin niya na ang makatotohanan at mapagkakatiwalaang impormasyon ay lubhang mahalaga sa ngayon kaya ang pagbibigay ng laptop sa student-journalists ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat, at paghamon din na maging mahusay na tagapagbalita sa hinaharap.

Bukod sa gadget, ang mga guro’t mag-aaral ay nakatanggap din ng computer mouse, USB flash drives, at laptop bags.

Sa Special Education Fund ng LGU kinuha ang pondong ginamit dito, sa pakikiisa ng Schools Division Office ng Kawit.